Maghanap
  • AJCMFI

Dicky Nervar NCR-SHPS Passer

Na-update: Mar 8, 2019


Si Dicky ay isang learner sa Sacred Heart Parish Shrine-ALS na hindi nakatapos ng elementary sa pormal na paaralan, ngunit nakapasa ng ALS sa Elementary at Junior high school level- tig One take test lng. Si Dicky ay isang batang nawalan ng pangarap, na lulong sa pinagbabawal na droga, tumutulong sa mga magulang sa pamamagitan ng pagpupulot ng basura at pangangalakal. Pumasok si Dicky sa ALS kasabay ng pagtalikod niya sa pag gamit ng bawal na droga. Sumailalim sya sa programa ng sacred heart - USBONG upang maituwid ang knyang buhay. Si Dicky ay madalas wala sa loob ng klase dahil s hanapbuhay. Madalas sinusundo namin sya ni Mam Gina sa bahay at dadalin s opisina para mag tutorial session. Minsan nga ay ayaw nya pumasok dahil nahihiya siya na di pa kumakain at wala pang tulog. Nag tiyaga si Dicky sa pagrereview na noong una ay ayaw na naya mag test. Pero Salamat sa magulang naya na lagi akong pinagbibigyan na gisingin si dicky. Lagi sinasabi ni Mama at Papa nya na "Mam, gusto po talaga ni dicky makapagtapos kahit maka vocational lang. Kahit piso lng ang baon nya or kape lng ay gusto nya pumasok. Kaya sana mam kahit makulit si Dicky pagtiyagaan mo po."


4 view0 komento

Mga Kamakailang Post

Tingnan Lahat